Mark Figueroa, ang bagong Ginoong Pilipinas-USA 2007; Dayanara Torres, sisimula'ng ipalabas ang bagong tv drama series na 'Watch Over Me' sa MyNetworkTV Channel 13 simula sa Disyembre 6, 2006; 'Maximo Oliveros' nominado sa Best Foreign Film sa IFP Independent Spirit Awards
Mark Figueroa, itinanghal bilang 2007 Ginoong Pilipinas-USA


(Photo: Mark Figueroa - 2007 Ginoong Pilipinas-USA and his trophy)

Itinanghal ang bagong Ginoong Pilipinas-USA nitong nakaraang Sabado, Nobyembre 25, 2006, taunang ginaganap sa Palace of Fine Arts sa San Francisco, California. Ang Fil-Am na si Mark Figueroa, tubong Chicago, Illinois at isang real estate broker ang nanalo ng korona. Tinalo nito ang labing-limang kandidato na nagmula pa sa iba’t-ibang panig ng Estados Unidos. Nakuha rin nito ang special award na Best in Swimwear.

Tatanggap si Mark ng round-trip tiket papunta ng Pilipinas at pati na rin sa susunod na taunang patimpalak ng Manhunt International, kung saan affiliated ang taunang Ginoong Pilipinas-USA. Sa nakaraang Manhunt International na ginanap sa China, nakamit ng 2006 Ginoong Pilipinas USA winner na si Chris Friel ang dalawang special awards: Mr. Congeniality at Mr. Friendship.

Sa ika-apat na selebrasyon ng Ginoong Pilipinas-USA, na pinamumunuan ng community leader at SFO-based publicist na si Elton Lugay at ang partner nitong si Thanh Dinh mula sa produksyon nitong Tangerine Productions, iprinoklama ng mayor ng San Francisco na si Mayor Gavin Newsom, ang ika-25 ng Nobyembre ay maging opisyal na “Ginoong Pilipinas-USA Day.” Ang plake ng rekognisyon ay inihatid at binasa ni Jason Chan, representatibo mula sa Mayor’s Office ng San Francisco.

Narito ang talaan ng mga nagwagi: 1st runner-up - Jay-Ar Ignacio (Delano, CA); 2nd runner-up – Ingel Catindig (Milpitas, CA); 3rd runner-up (also won the special award – Ginoo of the Crowd) Henry Lee (Daly City, CA); 4th runner-up – Scott Cliffton (Madison, WI).

Nagkaroon din ng preliminary judging nuong Biyernes (Nobyembre 24) sa Holiday Inn, SFO Civic Center (kung saan naka-pirmi ang lahat ng mga kandidato) para sa special awards. Ang mga nanalo ay iprinoklama sa araw ng pagtatanghal. Narito ang mga nagwagi at ang mga kategoryang kanilang pinanalunan: Best in Barong - Michael Medina (Los Angeles, CA); Best in Formal – Mark Tomas (Honolulu, Hawaii); Best in Swimwear – Mark Figueroa (Chicago, Il); Mr. Popularity – Ralph Edward Gauna (El Sobrante, CA); Mr. Photogenic – Michael Montalban (San Francisco, CA); Mr. Congeniality – Erwin Macasarte (Las Vegas, Nevada).

Kabilang sa mga hurado para sa Top 10 at Top Five ay ang mga sumusunod: Rose Chung (President of Miss Asian-America); Jing Monsanto (Director, PJ Monsanto Foundation); Alvin Paris (Correspondent, Mabuhay Beauties); Chanh Pham (Producer, Miss Little Saigon); Bong Prada Lim (Fashion Stylist and Los Angeles’ Patron of the Arts); Tony Vizmonte (publisher, Celebrity Chronicle); Bradford Adkins (Adkins World Travel); Ram Puno (Producer, Model Search Intl.); Noel Rominque (Publisher, Philippine Headlines); Jason Chan (representative from the SFO mayor’s office); Dave Tiu (producer, Hataw Pinoy in Chicago, Il.); at ang Chairman of the Board nito na si Mr. Ferdie Villar (Asian Journal Publications’ entertainment editor – SFO edition).

Nakatutulig na hiyawan at binigyan ng ‘standing ovation’ ang special guest performer na si Dessa ng mga manunuod pagkatapos ng performance nito. Kabilang din sa mga nagbigay aliw sa gabing iyon ay ilang SFO-based artists: Clementine Dimacali, former Next Phaze member - Jay Ricz, ang ilang kandidato ng Pinoy Pop Superstars na sina Karissa Campos, Matthew Lee, at Joyce Buensuceso.

Si Epee Rafanan ng EpeeCenter (epeecenter@aol.com) ang nag-direk ng show at ni-line produce ito ni Rina Alcantara (Prinze Capital Group). Nag-emcee ang mga sumusunod: ang dating Ginoong Pilipinas-USA 2006 2nd runner-up winner na si Jerald Mutia kasama ng Miss Asian-America 2006 na si Jennifer Field; ang aktres na si Giovanni Pico kasama ng Ginoong Pilipinas-USA 2005 winner na si January Reclosado; katulong din sina Peachy Matias at Tita Aida.

Panauhing pandangal ang aktres na si Juliana Palermo, na tumulong sa pagbibigay ng mga pangunahing awards sa huling bahagi ng presentasyon, at si Chris Friel, ang nakaraang Ginoong Pilipinas-USA 2006, kimg saan pinalakpakan ng husto ang pagparada nito ng naka-swimwear.

Tingnan ang iba pang mga kuha mula sa ika-apat na pagtatanghal ng Ginoong Pilipinas-USA sa Photo Gallery ng HollywoodFLIP.com

***********************************************************

Dayanara Torres sa bago nitong tv series na ‘Watch Over Me,’ mapapanood na sa Disyembre 6 sa MyNetworktv (Channel 13)


(Photo: Dayanara Torres at ang co-star nito na si Todd Cahoon, sa kanilang bagong tv series sa MyNetworkTV Channel 13, mapapanood araw-araw simula alas nuwebe ng gabi (EST).

Nitong nakaraang Linggo, pagkalapag ng eroplano mula sa Burbank mula sa taunang patimpalak ng Ginoong Pilipinas-USA ay dumeretso ako sa Hollywood Roosevelt Hotel para interbyuhin ang dating Miss Universe 1997 na si Dayanara Torres. Kabilang si Dayanara sa mga naimbitahan para sumakay sa ika-75 na Hollywood Christmas Parade. Sinabihan ko na ang publicist nito na gusto kong makapanayam ang dating aktres at tinaguriang “Dancing Queen” ng Pilipinas.

Huli kaming nagkita ni Dayanara sa ‘Teen’s Choice Awards’ na ginanap sa Universal Amphitheatre nang nakaraang taon. Sa aming pag-uusap nuon ay nasabi nito’ng lilipat ito ng tirahan sa Los Angeles dahil magiging bisi ito sa kanyang karir sa Hollywood. Nakatira pa kasi sa Miami nuon si Dayanara pagkatapos nitong humiwalay sa dati nitong asawang singer na si Marc Anthony.

Kinumusta ko si ‘Yari’ (palayaw nito sa mga malalapit sa kanya) nang magkita kami sa backstage ng Roosevelt Hotel at kinumusta rin ang dalawa nitong anak na sina Ryan at Christian.

Kagagaling lamang ni Dayanara sa Pilipinas dahil sa siya ang image model ng Beverly Hills 6750, ang beauty clinic na pag-aari nina Jessica Rodriguez at David Buenavacz. Limang araw lamang ang inilagi nito nguni’t sinabi nitong nag-enjoy siya nang husto sa kanyang pagdalaw rito.

Sa bago nitong television series na “Watch Over Me” na mapapanuod simula sa Disyembre 6, sa MyNetworkTV (mula sa sa umbrella network nito na Fox Station) pero ipalalabas sa UPN Channel 13 (Los Angeles) mula 8;00/9:00 central, gaganap ito bilang si Julia Rivera at makakatrayangulo sa pag-ibig ang mga guwapong aktor na sina Todd Cahoon at Marc Menard. Kabilang sa mga malalaking artista na kasama ni Dayanara ay sina Casper Van Dien at Catherine Oxenberg (na kasama nito sa pagsakay sa float nitong Linggo sa Hollywood Christmas Parade).

Nabanggit ni Dayanara na animnapu’t-anim ang episode na nai-tape ni Dayanara at ipalalabas ito ng halos tatlong taon. Nakalabas na si Dayanara sa soap na “The Young & The Restless” at bisi pa rin ito sa pag-promote ng tinapos nitong libro para sa mga bata, na siya ang may akda. Kasalukuyan pa ring spokesperson si Dayanara ng clothing line na MetroSeven at sa pagsuporta sa iba’t-ibang non-profit organizations sa Hollywood. Nasabi ni Dayanara na kung may magandang proyekto sa Pilipinas para bumalik siya ruon ay hindi niya ito maaring mahindian.

Gusto rin ni Dayanara na dalhin ang dalawa nitong anak sa Pilipinas. Pero kung magkakaroon man ng proyekto ito sa Pilipinas, imposible siguro’ng mangyaring magtagal sila sa Pilipinas dahil nag-aaral ang mga anak nito sa Los Angeles at prayoridad nito ang makapiling ang kanyang mga anak. Maraming plano ang manager at publicist nito para sa Hollywood career nito. (Go to www.HollywoodFLIP.com for pics from the 75th Hollywood Christmas Parade)

**********************************************************

(Photo: Oliver Carnay and Director Auraeus Solito ('The Blossoming of Maximo Oliveros')

Pelikula ni Aureaus Solito na ‘Maximo Oliveros’ nominado sa Best Foreign Film category sa IFP Independent Spirit Awards

Katatanggap ko lang ngayon ng magandang balitang ito mula sa IFP Independent Awards na taunang ginaganap sa isang malaking tent sa Santa Monica Beach, isang araw bago ang gabi ng maningning na Oscars®.

Napasama sa Best Foreign Film category ang The Blossoming of Maximo Oliveros (Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros) na dinirek ng aking kaibigang si Maximo Oliveros). Ang pelikulang ito ay umikot na at pinuri ng mga kritiko sa iba’t-ibang panig ng mundo. Humakot na rin ito ng mga awards sa Pilipinas at sa mga sinalihan nitong film festivals sa iba’t ibang bansa.

Ang makakatunggali nito sa darating na 2007 IFP Independent Spirit Film Festival ay ang mga sumusunod: 12:08 East of Bucharest (Romania, Director: Corneliu Porumboiu); Chronicle of an Escape (Argentina), Director Israel Adrian Caetano); Days of Glory (Algeria, Director Rashid Bouchareb); The Lives of Others (Germany, Director Florian Henckel von Donnersmarck).

Ang ‘Maximo’ ang kauna-unahang pelikulang feature film na dinirek ni Auraeus Solito at nang magkasama kami nito sa Outfest at sa Pilipinas nitong nakaraang Luna Awards, ay nabanggit nito na hindi pa rin siya makapaniwala na dahil sa pelikulang ito ay halos nalibot nito ang buong daigdig dahil sa naanyayahan ito at nai-li-libre ang kanyang pamasahe papunta sa mga bansang itinatanghal ang kanyang pelikula.

Ang IFP Independent Spirit Awards ay mapapanood ng Live sa IFC (Independent Film Channel) sa Pebrero 24, 2006, Sabado, simula alas-singko ng hapon (EST).

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx



11.29.06