JOEY G, pinagbawalan ng “SIDE A” na kantahin ang “FOREVERMORE” sa mga concerts nito!
By Oliver Carnay
.. pinagbawalan na pala ng bagong grupo ng SIDE A at ang sumulat ng kantang “Forevermore” na si Joey Benin, ang dating lead vocalist ng grupo na si JOEY G na kantahin ang sikat na awiting FOREVERMORE. Nakilala ng husto ang kanta at ang grupo nuong era 90’s kung saan naging signature song ito ni Joey G dahil sya ang lead vocalist ng grupong SIDE A nang panahong yon .. ang pagkakaalam ni Joey G ay wala namang naging issue sa mga nakaraang taon pagkatapos nitong humiwalay sa grupo noong 2015.
.. Halos magkasabay ang tour ng bagong grupo ng SIDE A sa U.S./CANADA TOUR ng “STRING & VOICES” nina Joey G at Noel Cabangon. Ang sabi ng ibang natanungan ko para sa kaniang opinyon, hindi kaya insecure lang ang bagong SIDE A kung kangino’ng bersyon ang mas maganda?
.. sa first leg ng “STRING & VOICES” U.S. tour last Friday (pagkatapos ng matagumpay na Canada tour kasama si Ice Seguerra) ay nakanta pa ito ni Joey G dahil nasa repertoire nila ang Forevermore sa show nila sa Los Angeles, sa Aratani Theatre .. pero nakatanggap uli siya ng demand text mula sa grupo ng “Side A” threatening to sue him if he continues to sing the song ..
.. kagabi, sa second leg ng “STRINGS & VOICES” na ginanap sa BAL Theatre sa San Leandro, California, hindi kinanta ni Joey G ang “Forevermore” pero sa finale, hindi mapigil ang clamor at request ng audience para kantahin nito ang “Forevermore.” Tumanggi si Joey G na kantahin ito pero umakyat sa stage ang lead singer ng TRUE FAITH na si Medwin Merfil (now based in SFO) para kantahin ito, na sinamahan ni Noel Cabangon, kasama ng audience na naki-jam sa pagkanta ng Forevermore ..