Paalam, Nay Lolit Solis!
By Oliver Carnay
Nalungkot naman ako nang mabalitaan ko ang pagpanaw ni ‘Nay Lolit Solis. Hindi ako naniwala muna nang may mag-post. Tinanong ko muna si Gorgy Rula na syang kaibigan ko na pinakamalapit kay ‘Nay Lolit. Pero later sya nag-text sa akin at kinumpirma. Hinihintay lang daw nila mag-post si Sneezy, one of the daughters of Nay Lolit.
Dami kong anekdota na biglang naalala. Early 90’s, panahon pa ng Startalk, nang magkaroon ng malaking Expo dito sa Los Angeles, produce ni Mary Ann Pagsibigan, nang sumalubong kami at nag-treat ako sa Sanamluang sa grupo nina Nay Lolit, straight from the airport. Mga alaga ni Nay Lolit na sina Lorna Tolentino, Rudy Fernandez, atbp. ang karay-karay nya noon. Since then, every time uuwi ako sa Manila, pag may pasalubong ako sa kanya, ay dobleng kung anu-ano ang binibigay nya sa akin na bigay din sa kanya. Contrary sa akala ng mga tao na puros pangha-harbat ang ginagawa nya, ay pinamimigay din nya ang mga nakukuha nya sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya, whether they are reporters, crew o staff ng Startalk, o mga kaibigan din na dumadalaw. Kapag pinakitaan mo sya ng maganda, mas generous pa sya sa yo at yun ang di ko malilimutan sa kanya.
I remember, may gusto akong panoorin o puntahan na event, nagpapasabi kaagad sya at gumagawa ng paraan para makapunta ako, maka-attend pati sa backstage, ha? Isa doon yung star-studded na 29th Luna – FAP Awards na na-cover ko (Link on Hollywoodflip.com: http://hollywoodflip.com/29th- luna-film-academy-awards- night/.
At nung kasal ni Mark Anthony Fernandez, isa ako na may exclusive coverage noon, dahil rin sa kanya. After so many years, na-realize ko na ang batang naging ring-bearer ay ang anak pala ni Mark Anthony na si Grae Fernandez (eto link, o: http://hollywoodflip.com/ mark-anthony-fernandez-and- melissa-garcia-fernandez- christian-wedding-at-tamayos- garden-in-intramuros/).
Hindi ko rin malilimutan noong ginawa ko ang tour ni Rosanna Roces at Ai-Ai de las Alas. Host pa si “Osang” ng Startalk noon at kasagsagan ng career ni Osang, at ito’y bago nagkasira ang komedyante at sexy star,ha?! Pagkatapos pumirma ng kontrata ni Nay Lolit ng five city-tour contract sa akin, ay binawi nya yung dalawang shows sa New York at binigay sa isang promoter na mas mataas ang bigay per show. Syempre, wala naman akong magawa, alangan naman na idemanda ko si Nay Lolit, lol, di ba? Ayon, natuloy ang show pero ang siste, balita ko, minalas ang produ dahil Biyernes Santo ang nakuha nilang araw ng show, at sa hall pa ng church ginawa .. juskupo, eh ang laswa ng show ng dalawa so hindi ma-take ng mga utaw, pati na ang mga pari at madreng um-attend! Wa care naman si Nay Lolit dahil basta nabenta nya ang dalawa sa limang show ng mas mataas, o di ba?
Every time ako uuwi sa Pinas, I always do courtesy call kay Nay Lolit. Nuong 2022, pinasabi nya kay Gorgy na nasa Japanese resto si Nay Lolit at gusto nya makipagkita sa akin. Malapit naman ito sa tinutuluyan ko kaya go ako. Aba, nahiya naman ako nang dumating ako at medyo private lunch pala yon. I feel blessed na ang babait at I felt very welcome. Aba, may biglang Christmas gift pa akong natanggap from Salve Asis (Pilipino Star)! Link: https://www.facebook.com/ oliver.carnay/posts/ pfbid02p4ro5U1EkbSYwS2xLKa46Rd W7kAVqBzdtQVHUDnmvVcDDxw6qVtgN bEfa6ASb8Bhl
Isa sa mga haligi ng showbiz industry si Nay Lolit na malaki ang naiambag sa industriya. Ilang dekada rin ang itinakbo na kasama sya. Mami-miss kita Nay Lolit. Salamat sa friendship. I will only have good memories about you and syempre, andyan si Sneezy na laging magpapaalala sa amin sa iyo. Paalam .. rest in peace!
Facebook
Twitter
LinkedIn