“ROMANTIC SAYA” SOLD-OUT concert nina Jaya, Rufa Mae, at Jacque “Jinky” Oda, super-saya ang lahat sa outcome ng show!

By Oliver Carnay

Congratulations sa mga prodyusers ng katatapos lamang na show na “Romantic Saya,” kagabi na ginanap sa Noypitz Cerritos with headliners Jaya (Philippines Soul Diva) at ng komedyanteng si Rufa Mae Quinto .. special guest nila si Jacque “Jinky” Oda!
 
Hindi nagtipid sa production value ang direktor nitong si Ivan Dedicatoria.  May LED sila sa stage na hindi karaniwang nakikita sa mga shows ng Noypitz at nakatulong ito habang nag-fa-flash ng mga posters ng mga movies na ang mga titles ay galing sa mga songs na pinasikat ni Jaya, katulad ng “Wala Na Ba’ng Pagibig” (which starred Angelu de Leon and Bobby Andrews) at “Dahil Tanging Ikaw” (starring Jao Mapa, Ian de Leon, and Donna Cruz) .. 
 
Okey na okey ang chemistry ni Jaya at Rufa Mae sa pagpapatawa sa audience at nakakasabay din ang huli sa mga duets na ginawa nila kahit medyo mataas na ang tono (infeyrnes to Ruffa, may boses naman pala ito kaya this time very good na very good sya sa akin!) .. ang finale song nilang hit song ng Aegis ay kering-keri rin ni Ruffa Mae (talaga, ha? .. yes, talaga naman!) although, may portion na parang tinula na lang nya ito’t tawang-tawa naman si Bunny Paras sa tabi ko, lol! ..
 
Gusto ko yung repertoire ni Jaya, simula nang magkasabay silang lumabas sa stage ni “Peachy” (Ruffa Mae as she is also referred to by friends) .. upbeat songs, nostalgic, at naging very lively dahil kumuha sila ng two dancers to liven up the opening number (talagang hindi kayo nagtipid ha, @Gina Brown-Tayag!) .. 
 
Briefly, ikinuwento ni Jaya na 1988 nang lumayas siya sa poder ng kanyang dakilang ina (Elizabeth Ramsey) at nagbakasakali siya sa New York, naging back-up singer ni Stevie B pero na-discover siya ng isang prodyuser at nagkaroon ng U.S. record deal.  Ang natatandaan ko, may hit siyang kanta noon na nasa Billboard chart at palaging nasa mga radio stations (“If You Leave Me Now, Boy” yata ang title non).  Pero in one of the Filipino shows, na-discover sya at inuwi ni Miss Pilita Corrales nuong 1995, and the rest is history!  Nag-shout-out si Jaya at super plug pa siya ng show nina Pilita, Eva Eugenio, at Imelda Papin next week, May 27, sa Burbank, CA ..
 
Kinuwento rin ni Jaya na recently sa L.A. “Reminiscin” show nina Joey G. at Jinky Vidal ay nag-guest siya, kaya naman inspired n’yang kinanta ang hit song ni Joey G. na “Forevermore” (which I really liked her version, ha!) ..dedicated nya ito sa mga lovers at couples na nag-ce-celebrate ng kanilang anniversaries .. naki-pag-jamming din sya sa audience at naki-karaoke mood sa mga tao .. hindi lang ‘yon, nagustuhan din ng mga tao ang Basil Valdez medley na isinama niya sa mga line-up songs nya .. kumpleto sa rekado ang inihain niya and the people really enjoyed singing with her laluna nu’ng umikot from table to another hanggang makarating sya sa likod to reach out to even the last person at the back, “masaya pala dito sa likod!” aniya.  
 
Star-studded ang nangyari sa Tiktok challenge portion nang tawagin nina Jaya, Rufa Mae, at Jinky ang mga celebrity guests na nasa audience na sina Ruby Rodriguez, LJ Moreno (co-producer ng show), Bunny Paras, Beverly Vergel (kapatid ng yumaong artista’ng si Ace Vergel at anak ng dating beteranang aktres na si Alicia Vergel), at sina Donita Rose at ang boyfriend nito’ng si Felson Palad na late man sila’ng dumating ay nakahabol rin naman sa show.  Kompleto’ng may video ng viral “Paru Paro G” na ginaya nila kasama ng random audience na kinuha nila (Brix at Mirlo ang mga pangalan ng guys na tinawag nila sa stage na mukhang nag-enjoy ng husto kahit panay ang puna ni Ruffa Mae na bakit parehong kaliwa ang paa nung isa!). Riot at super fun ang segment na ‘to!  May special participation din ang only daughter ni Rufa Mae na si Athena at nakisayaw ito sa isang segment at sa portion ng Tiktok challenge ..
 
Parehong um-apir sa stage ang mga partners nina Jaya at Rufa Mae — si Jaya ay nakatanggap ng bulaklak sa asawa nito’ng  si Gerry (na isang Army veteran) dahil 15th anniversary na pala nila .. samantalang si Jinky naman ay kasama rin nito ang partner nya’ng pulis (pulis nga ba, Jacque?) ..Si Ruffa Mae naman ay inanyayahan ang lahat na abangan ang mga shows nya sa GMA Sparkle 7 (under na siya ng Sparkle Talents ngayon ng GMA 7) ..
 
Parang very intimate at very smooth ang flow ng show na nag-start exactly ng 7 pm at natapos ng 10:30 p.m.  Matiyagang nakapila ang mga fans ng tatlo para sa Meet & Greet at walang nagtutulakan (at nambabalya from production staff, katulad nang nakaraang show na in-attend-an namin ni Bunny Paras at ng alaga ko’ng si Lyndon Apostol!) .. maayos at very respectful ang mga coordinators ng show, at pati na ang staff ng Noypitz Cerritos (bukod sa accommodating and efficient, dami pang gwapo at maganda — di ba, Bongbong Buan?!!! (si Bong ang nag-ayos kay Rufa Mae) ..
 
Gusto ko’ng magpasalamat kina Katie Ortiz, Tony Garcia, at Sthanlee B. Mirador na nag-provide ng additional help para kumuha ng footage during and after the show, and also who gave me a ride to and from my place (dahil hindi available ang helicopter ko!) ..  To Lyndon Apostol and Rhandy Torres, my artists/clients ko na kasama namin sa table ni Bunny Paras, and later Carla and soon-to-be husband Kevin, Ethan (bf ni Arci M.), and Aina with her husband, Joe .. ang saya-saya ng table namin!  Most of all, thank you Gina and Eleazar, LJ Moreno, and your other co-producers and coordinators — Congratulations on a very successful, at SOLD OUT show, ha??!! 
 
Sa unang handog ng Mabuhay Studios, aprub kayo sa amin!  Masaya lahat ng taong dumating at nanood ng show!  Good luck sa next adventure nyo in concert producing!  ‘Yun Nah!!!