Ang bonggang 65th Blossom Gala birthday party ni AMI ALMEROL, L.A.’s original “Queen of Entertainment”!

By Oliver Carnay

Bonggacious ang 65th birthday celebration kagabi ng aming kaibigan na si Ami Almerol na ginanap sa Blossom Hall ng The Hollywood Roosevelt. Mga 200+ ang selected By-Invitation-Only ang mga bisita ni Ami.
 
Kasama ni Ami sa Table #9 ang partner niya na si Henry at ang mga anak ni Ami na sina Marky, MJ, Giyan, at Kandaci, at ang mga apo nito. Nakaganda ang nostalgic atmosphere kagabi dahil sa mga inawit ni Maricar and The 4700 Band (ang galing talaga ng banda na ito!). Nag-perform din sina Jo AwayanMalou Zagala Toler, ang Queen of Rockista ng L.A., at ang aming kaibigang si Giji Kocher Djhoanna Garcia Si Randy Trinidad ang in-charge sa sounds. Syempre, salamat kay Bona (Maritoni Wiese) at very lively ang gabi dahil siya ang naging host kagabi. By the way, bago pumasok ang bawa’t bisita ay may pa-red carpet din (abangan namin lahat ng pics, ha?).

Medyo marami ang natakot dun sa portion na may dance number na swing si Ami dahil may pa-lifting ang lola nyo. Baka kasi madulas o malaglag habang nagsasayaw (sigurado ka ba Ami na 65 ka na?). Pero buti na lang at kering-keri naman pala nya. Ang bilis ng footwork ng lola niyo! May three costume changes siya, courtesy of Puey Quinones and make-up by Joel Vera Sebastian Ang ganda ng three layer birthday cake at ang sarap. Hindi tinipid sa pagkain at ang daming waiters na nag-e-estima sa lahat ng guests, may wine available all night and coffee after the 10+ course dinner so busog na sa entertainment, busog pa ang chibog. Sky is the limit ang foods and entertainment! Nagpasalamat si Ami sa lahat ng um-attend at in-acknowledge nya ang tatlong BFF nito since high school, pagkatapos ay ilan sa mga close friends at attendees.

Mga bagong tao kayo sa L.A. kung hindi niyo kilala si Ami Almerol, ang original na “Queen of Entertainment” noong 80’s hanggang 90’s. 1975 sa Pilipinas nang ma-elect si Ami bilang Kabataang Barangay member at 2nd National President ng KB sa Pilipinas ito at naging kasama ni Senator Imee Marcos sa mga lakaran. Nasama siya sa mga stage plays na nag-pe-perform sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas dahil sa grupo ng mga artist at stage performers na itinatag ni Imee. Nang mag-migrate siya sa Los Angeles noong 1982, nakapasa ito sa Clinical Laboratory Scientist board exam at nakapagtrabaho sa UCLA Blood Bank hanggang 1991.
 
1986 nang maging laman ng entertainment newspapers si Ami sa Los Angeles nang magsimula itong mag-produce ng mga concert dito sa L.A.. Kabilang sa mga nai-produce nito ay sina Gary Valenciano, Lea Salonga, Apo Hiking Society, Christopher de Leon, Gabby Concepcion, Florante, Anthony Castelo, Jaya, Nora Aunor, Richard Gomez, Imelda Papin, Dulce, Marco Sison, Elizabeth Ramsey, Anthony Castelo, atbp.. Later on ay naging successful din ang mga prinodyus nitong shows outside L.A., sa Las Vegas, Seattle, San Francisco, Chicago, atbp.
 
Star-studded ang mga celebrity video greetings kay Ami during her party. Kabilang sa mga bumati ay sina Tirso Cruz III with wife Lyn Ynchausti Cruz, Anthony Castelo, Beverly Salviejo, Liz Alindogan, Darius Razon, Malu Barry, Jaya, Lito Camo, Jinky Pacquiao, Jason Gainza, Ryan Bang, Suzette Ranillo, Matt Ranillo III, Rey Valera, Marco Sison, Nonoy Zuniga, Christopher de Leon, Manny Pacquiao, Krista Ranillo-Lim and Jeff Nino Lim, among others.
Sa mga attendees, nakita ko sina Henry Chen, Marilou Bendigo, Jennifer Cortes (kumusta na, dear?), Al Reyes, Pastor Kevin Ramientos, Mimi Manag, Tessa Tanjusay, Ebradu Udarbe with wife Marilyn and kid, Nelson Anderson with daughter Maliha, Rhea Narvaez, Grace Figues, Maryann and Henjie Pimenta, Sonny Madera, Monet Lu, Edgar Mande, Mike Balmeo, Ram Lopez, Puey Quinones, Joel Sebastian, Bong Buan, Atty Jemela Nettles, Tita Trinity Foliente, Virgelia Villegas, Joseph Gelito, Nicole Ceniza (sino nakalimutan ko?) and many more.
 
Nakatutuwang makita ang mga unang tao at naging mga haligi ng L.A.’s showbiz circle ng dekada 80’s at 90’s. Minsan lang kami magkita-kita kasama ng mga kaibigan kong sina Monet Lu at Sonny Madera ng mga kaibigan kong sina Henjie at Mary Ann Pimenta na dating may-ari ng “Bayanihan Restaurant” na later on pinalitan ng pangalan na “1204 Restaurant” (dahil December 12 ang birthday ni Maryann). For years yan ang mga kasama namin noon nang kasagsagan ng maraming mga artista sa Manila ang gustong mag-show sa restaurant ni Maryann P.. Very alive and active ang Filipino entertainment community nang panahong yon at ang “1204” ang favorite hangout at No. 1 venue ng mga sosyalan at shows dito sa L.A. Mga iba pang natatandaan kong mga sinaunang restaurant ay ang ARISTOCRAT, GREENHILLS, NERI’S, LITTLE ONGPIN, at ang BAHAY KUBO NATIN (na KUBO RESTAURANT na ngayon). Si Ami Almerol ay nasa gitna ng mga kolum sa Los Angeles newspaper nuon, at ang Miss Asia USA ay pag-aari pa ng sikat na kolumnistang si Dindo Reyes bago ito na-acquire ni Virgelia “Tata” Villegas (great to see her in white dress last night!). Dami ko sanang kuwento dito pero mahaba na ‘to.
 
Anyways, ang masasabi ko lang, hindi ako nagtataka kung bakit napakaraming kaibigan dito sa L.A. o sa Pilipinas man si Ami. Politicians man, kilalang mga celebrities, o pangkaraniwang tao, dahil mabait na tao, sincere, matulungin, at hindi nakakalimot kapag naging kaibigan mo sya. Masipag, maabilidad sa buhay, at generous syang tao. Through the years, napagtibay na ng panahon ang isang AMI ALMEROL at masaya siyang namumuhay sa piling ng mga loyal na mga kaibigan at may business din sya (kung kailang nyo ng bagong kotse, o may sira kotse nyo, tawagan nyo siya!). Happy birthday, kabsat! Sana’y humaba ang buhay mo for another 65 (wag mo na lang lagyan ng tax at shipping & handling, charot!) ..