Four Kings and A Queen – The Hitmakers with Pops Fernandez (Review)

By Oliver Carnay

Photos and text by Oliver Carnay
 
 
.. ngarag din ang schedule ko kahapon (Sunday, June 26, 2022) na nag-umpisa sa napakasayang 65th birthday party ni Chato Sugay na ginanap sa Pomona Valley Mining Co.
.. pagkatapos nito, deretso ako sa “Likha” Fashion for a Cause event ni Lou Razon sa Pasadena Hilton .. hindi ko na natapos ito dahil I have to drive all the way to Beverly Hills sa Saban Theater para sa “Four Kings and a Queen” (OPM Hitmakers – Rey Valera, NonoyZuniga, Marco Sison, and Hajji Alejandro — with POPS FERNANDEZ) .. ito ang second leg ng four-city U.S. Tour na nagsimula nuong Sabado (June 25) at sold out ito sa Graton Casino & Resort sa Rohnert, California, sa may Bay Area.
.. isa sa mga highlights ng show ay ang pagtawag ng guest artists at back-up vocalists na sina Eden TanTag at Mark Coy sa main promoter at executive producer ng show na si Pia Amore Arpa Legaspi ng Amore Entertainment sa stage para ituloy ang kantang “Ikaw Lang Ang Mamahalin” .. na-surprise at nabigla si Pia .. hindi na ito nakatanggi dahil hinatak na sya ng staff para umakyat sa stage .. (aba, in fairness, maganda pala ang boses mo Pia .. next time, ikaw na mag-front act, ha? .. lol!) ..
.. expected ko na yung mga banters ng isa’t isa, ng apat na beteranong singers dahil ilang beses ko na’ng napanuod ang mga ito (last show nila rito ay nuong 2019 before pandemic) .. pero nakakatuwang marinig na parang bago ang mga jokes ng mga ito dahil hagalpakan ang mga taong naroon kagabi, sold na sold sila sa mga banat ng apat!
.. inumpisahan ng OPM Hitmakers ang concert sa pagkanta ng oldish songs (Get Ready / I Can’t Help Myself) at pinilit rin nilang kumanta ng Backstreet Boys songs pero nauwi ito sa “Paru-Paru G,” ang latest tiktok craze ng mga millenium.
.. nauna na’ng nagpakitang gilas si Nonoy Zuniga .. nagkuwento ito at pinag-initan ang mga buhok ng kanyang mga kasama bago ito kumanta ng kanyang mga hit song na “Doon Lang” bago ito sumegwey ng “Araw-Gabi” (ang kantang dapat daw ay siya ang unang nag-rekord at hindi si Regine Velasquez) ..
.. Sumunod kay Nonoy ay si Marco Sison na inumpasahan ang segment nya ng Si Aida, Si Lorna o si Fe, Always, at pagkatapos ay ang My Love Will See You Through .. dito pumasok si Pops Fernandez at nagduweto sila ng “Nandito Ako/Bakit Ngayon Ka Lang” .. iniwan ni Marco si Pops para humataw ng “Sumayaw, Sumunod” .. bago ito, dapat daw ay kasama niya ang anak na si Robin Nievera sa stage, pero may meeting daw ito ..
.. kinuwento ni Hajji Alejandro na this year ay 49th anniversary na nya sa showbiz industry bago ito kumanta ng “Tag-Araw, Tag-Ulan” na sinundan ng “Panakip-Butas” at “Nakapagtataka” .. sa last song nito pagkatapos ng “Kay Ganda Ng Ating Musika” (Grand Prize ng 1977 Metro Pop Music Festival at nagwagi rin sa Seoul Songfest nuong 1978) bago nya in-introduce si Rey Valera, binanatan muna nya ng mahabang nakatutuwang spiels ang pinaka-“senior” sa lahat ng nakatutuwang mga pasakalye ..
.. binalikan naman ni Rey Valera si Hajji Alejandro sa mga patutsada nito bago kumanta ng kanyang mga hit songs .. pagkatapos nito, nakipagkuwentuahn ito sa isang foreigner tungkol sa sex organ niyang nag-shrunk! Inumpisahan ni Rey ang pagharana sa audience sa mga hit songs nito’ng “Kay Sarap Ng May Minamahal,” na sinundan nito ng “Maging Sino Ka Man” at panghuli ang “Kung Tayo’y Magkakalayo” ..
.. pinasalamatan ng apat ang kanilang banda na sina Jerry Cruz – bass player, Mike Gonzaga – guitarist, Noel Lopez – second keyboard, ang anak ni Hajji Alejandro na si Ali Alejandro na nasa drums, at ang beteranong musical direktor na si Gerry Tikas .. (tama ba ‘ko sa spelling, Vic Perez?) .. pagkatapos nito ay ang mga sponsors naman .. (daming sponsors, ha?) ..
.. isa sa nakaganda at highlights ng show ang paglabas uli ni Pops Fernandez para maki-pagduweto ng isa-isa sa apat na “Hitmakers” .. in fairness, lumutang ito dahil ang ganda ng get-up nito sa kumikinang na gown (‘yan ang nag-so-show!) at halata mo’ng pinaghandaan dahil everytime itong lalabas ay sexy slim at energetic ang peg ng Concert Queen (maganda pa rin sya at hindi mukhang 55 years old!) .. isa-isang kumanta with Pops ang apat — Just As Long As We Have Love (Rey/ Pops), You Make Me Feel Brand New (Nonoy/Pops), Always (Hajji/Pops), Suddenly (Marco/Pops), Tonight I Celebrate My Love For You (Rey/Pops), Endless Love (Nonoy/Pops), Separate Lives (Hajji/Pops), I’ve Had The Time of My Life (Marco/Pops) .. at sa huli ay sabay-sabay silang lahat sa “Ain’t No Mountain High” ..
.. sa encore, Init Sa Magdamag (Nonoy), Make Believe (Marco), Malayo Pa Ang Umaga (Rey), May Nagmamahal (Hajji), I’ll Never Say Goodbye (Nonoy) .. at para sa finale song ni Rey Valera ng “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko” ay dito pumasok si Pops (para sa kanyang ikatlo at huling “change outfit”!)! ..
.. Congratulations, Pia Amore Legaspi ng Amore Entertainment at full house ang show kagabi at sa mga nakausap ko during “Meet & Greet” ay sulit daw ang binayad nila! Thank you rin sa magandang seat na nasa harapan .. enjoy ako ng husto sa show na ito! ..
 
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx