“FULLY VICE-CINATED” second leg (July 3) ng show ni Vice Ganda sa Pechanga Resort & Casino, mas pinaganda at mas bongga kaysa sa unang araw!

Photos and text by Oliver Carnay
Narito ang mga kaganapan sa pangalawang araw ng “FULLY VICE-CINATED” concert ni VICE GANDA na ginanap uli sa Pechanga Resort & Casino. Bale two nights ang show nya sa nasabing Casino bago ito lilipad sa Seattle (July 9, Angels of the Winds Arena), pagkatapos sa New Jersey (Borgata Hotel & Casino Spa), at mayroon pang Dubai sa Agosto.
 
Ibang kulay ang suot ni Vice sa korteng puso na may mga nakasabit na mga emoji para sa opening number nito kasama ang kambal na G-Force dancers na sina Jorge and Michael. Kung nuong unang gabi ay dilaw, sa pangalawang araw naman ay “royal blue.” Hindi nag-aksaya ng panahon ang “unkabogable star” at pina-akyat nya ang gustong maki-party sa stage at sumayaw habang kumakanta ito.

Hindi nag-aksaya ng panahon si Vice at tinawag nito kaagad ang partner nito na si Ion Perez para lumabas mula sa backstage. Dito naganap uli ang “kissing” moment ng dalawa.

Mataas pa rin ang energy ng mga tao at ganadung-ganado si (Meme) Vice na nakipag-interact sa audience pagkatapos nitong bumaba sa stage at nakihalubilo sa kanyang mga fans. Aliw ang mga tao habang ini-interbyu nito ang dalawang matandang fan na fan ni Vice. Medyo matagal ang portion na ito bago siya bumalik sa stage.

Tinawag ni Vice ang special guest nitong si Darren Espanto at nag-duweto ang dalawa. Gusto ko ang segment na ito dahil somehow ang galing ng pagkakalapat ng musika sa sagutan ng kanta ng dalawa.

Nang mag-solo si Darren sa stage, bumagay sa kanyang estilo nang awitin nito ang kanta ni Bruno Mars na 24K Magic. Maraming nagtatanong sa akin na producers kung paano’ng ma-i-bu-book nila in the future si Darren dahil bilib na bilib sila sa galing nitong kumanta’t sumayaw at parang bitin sila at gusto pa nilang makitang mag-perform si Darren. Malakas ang hiyawan ng mga tao habang pinapakita ni Darren sa stage ang galing nito sa pagsayaw.

Gusto ko rin yung nagdagdag si Vice ng mga bagong kanta sa kanyang repertoire at isa na yung Barry Manilow medley (gandara ng gown ni Meme dito, ha! .. elegante yung puting gown! .. talagang pinaghandaan nito ang U.S. Tour nito at sa damit pa lang ay effort na effort sya!).

Kuwento ni Vice sa akin (the following day after the show), yun daw gold suit na hapit na hapit na may pink na parang cape ay isusuot nya dapat sa first night pero somehow nagkaroon ng aberya .. init na init sya at hindi magkasya kaya inayos muna.
 
Syempre, sobrang aliw din yung segment nina MC & Lassy with Vice!
Nagkaroon ng “Meet & Greet” after the show pero this time, napakaraming gustong makapunta sa backstage kaya nagkaroon ng konting commotion.
Eto na ang latest bonus chika ko — Kinabukasan, nagpasama si Vice sa Altisima Winery para mag-lunch at nag-vlog na rin ito kasama ng dalawa niyang comedy duo na si MC at Lassy. Super-nakakatawa ang tatlo kaya tawang-tawa kami ng mga kasama kong sina Tony Garcia at Katie Ortiz na nanonood sa tabi sa mga pinag-gaga-gawa nila. Abangan nyo ito sa youtube channel ni Vice!
One day lang ang pahinga ng entourage nina Vice pagkatapos ng two night shows nito sa Pechanga at bumalik na sila sa Glendale, California at sinamantala naman ni Vice na mag-shopping sa Melrose Ave. bago mag-dinner sa Yamashiro Hollywood (ang pamosong Japanese restaurant kung saan ang Filipina Chef na si Chef Vallerie Castillo Archer ang nag-asikaso sa kanilang grupo).
Habang tinitipak ko ito ay nasa Seattle, Washington na ang entourage ni Vice ngayon kasama ng Starmedia Entertainment head na si Anna Puno at ready na for tomorrow’s concert (July 8) para sa susunod nitong show sa Angel Of The Winds Arena. Pagkatapos ay lilipad ang grupo nito sa east coast, at mag-pe-perform naman sa Borgata Hotel Casino & Spa sa New Jersey. Mayroon pang isang show sa Dubai (August) pero babalik muna yata sila sa Manila before going there. According to Anna Puno, itutuloy nito ang tour ni Vice Ganda pero baka magkaroon din ng Canada tour. By the way, kung na-watch nyo mga link ng videos dito, mag-SUBSCRIBE na rin kayo sa youtube channel ko under “Hollywoodflip by Oliver Carnay” .. thanks!