Honolulu and Maui “Mother’s Day” shows ni Ai-Ai de las Alas, patok sa mga tao!  Isang 90-year old na fan sa Maui, nakapag-paiyak sa “Concert Comedy Queen”!

By Oliver Carnay

Bumalik si AiAi Delas Alas ng Lunes (May 15) sa U.S. mainland pagkatapos ng dalawang successful Mother’s Day shows nito sa Hawaii na nagsimula ng Friday (May 12) sa Honolulu at Sunday naman (May 14) sa Maui. Special guest niya ang kauna-unahang nanalo ng “The Voice” Philippines, ang Grand Champ winner na si Michael Yonting #MitoyYonting sa parehong concert.

Sa Meet & Greet sa Maui, hindi mapigil ang luha ng “Comedy Concert Queen” nang magpa-picture ang isang 90-year old na fan nito dahil may malaking pagkakahawig ito sa kanyang ina na yumao last year sa edad na 93. Ipinakita pa nya ang larawan ng kanyang ina habang walang tigil ang luha nito samantalang panaka-nakang hinahalik-halikan naman ng matandang fan ang kanyang idolo. Tuwang-tuwa si Ai-Ai dahil nakapag-pasaya ito ng maraming tao sa Mother’s Day Concert at marami na naman siyang naging kaibigan sa Hawaii. Maraming tumulong para mapaganda dalawang shows nito sa Hawaii.

Sa parehong show, mataas ang energy ng mga taong nanuod at aliw si Ms. Ai sa mga nahatak na sumali sa audience participation. “Marami pala ang magagaling na singers sa Maui kaya hiling ni Ai-Ai na sana, sumali sila sa susunod na “The Clash” (na ngayo’y kasalukuyang umeere sa GMA Pinoy TV #GMA7 at malapit nang mag-finale).
 
 
Sa Honolulu, agkatapos mag-check-in sa hotel ng Thursday (May 11) ay dumaan si Ai-Ai sa Pinoy Power Media 104.7 at si Ms. Emmie Ortega Anderson ang nag-interview sa kanya. Pagkatapos nito ay tumungo na ang entourage ni Ms. Ai-Ai sa Meet & Greet with Honolulu sponsors na ginanap sa isang eksklusibong hotel.
 
On a personal note: Maraming salamat sa lahat ng tumulong sa Queen of Comedy Ms. Ai-Ai de las Alas. Una na sa lahat ay kay MsLehua Blossom ng Life is Music Entertainment Production LLC, who is also celebrating the 10th year anniversary of her company (would also like to give special thanks to her husband Mr. Steven Tanaka, who has been so helpful especially asking me a wheelchair at the airport) .. sa choreographer/dancer na si Paolo Alcedo (kasama nya ang partner niyang si James) na matagal ko nang kakilala sa Los Angeles at nag-move nga lang siya sa Oregon .. naging isang pamilya kami kasama ng “Hot Mommas Dancers” na sina Kryshell Munoz Villadelgado, Marissa De Guzman Villadelgado at RuthChris Koch at ang inspirasyon namin (ni Ruth) na si Christian Koch Jr (salamat, guys, sa mga pahabol na gifts!!) at walang tigil ang tawanan namin pag magkakasama kaming lahat .. super bait na nag-alaga rin sa amin sina Primrose Salvador at Aida Ganotisi Alexander .. na-meet ko rin sina Aldriech Richie at Bing, pati na si Daisy Isla (na-friend din ni Saira Bunny Paras) .. #thankyou kay Joel Tolentino (boss, ang galing ng boses mo! .. plus 10 pogi points nang magbihis ka na at tapos nang mag-set up!) .. thank you rin ng marami kina Manang Delia at Manong Luisito Laurena na naghanda ng piging sa amin nina Ms. AiAi (type na type nya yung organic salmon!) .. pagkatapos ng show sa Honolulu ay napunta kami sa Duke’s Waikiki at nakilala namin si @sheilarojo na super bait din sya sa amin (nai-chika niya tuloy sa amin kung sino’ng sikat na celebrity couple ang recently ay nandoon at kumain!) bago kami lumipad ng Maui, pagkatapos mag-check-out sa Holiday Inn Express ay na-meet din namin si Levi Ampaya .. dito ko na rin ilagay si Eithan Felicitas na nakasama rin namin sa Maui .. kay Mr. Mitoy Yonting Michael Yonting at ang napakabait na misis nya na si Mrs. Merly Runas Yonting — it’s a privilege to have met you guys (we’ll see you around!)!! .. please check out the other videos from our trip and from the two shows at my #youtube #channel “Hollywoodflip by Oliver Carnay” ..