KING OF PINOY RAP – ANDREW E. kasama ang SALBAKUTA, sina HI-JAKKK, CRAZZY G., at JR ZERO — grabe ang energy sa last leg ng THE ANDREW FORD MEDINA US TOUR!!!

By Oliver Carnay

Grabe ang energy ng nag-iisang “King of Pinoy Rap” last night (April 1st) sa City National Grove of Anaheim, sa last leg ng The Andrew Ford Medina U.S. Tour .. Non-stop ang performance ng tinaguriang “Godfather of Pinoy Rap” na si #ANDREWE @andrewe_dongalo pagkatapos mag-perform ng SALBAKUTA, at mga kasama rin nila na sina HI-JAKKK, CRAZZY G., at JR ZERO pagkatapos ng matagumpay nitong shows sa Hawaii, Baltimore at New York.

Napakaraming ipinamigay na original limited t-shirts, signed tennis balls, at isang pares ng sapatos na may autograph ni Andrew E. ang magkahiwalay na nasalo ng dalawang fans nito, pati yung kumikinang na black jacket na siyang suot nya kagabi ay ipinamigay rin niya.

Sa huling yugto ng concert, pinili ni Andrew E. na ibigay sa pinakamatandang um-attend ng concert kagabi na isang 87 years old ang maswerteng nakatanggap ng jacket. Highlight ng gabing yuon ang pagtawag ni #AndrewE sa stage, sa tatlong anak nito na sina DJ Fordy, Jassley, at Ichiro na nagpakitang gilas sa pag-rap bawa’t isa.

Umakyat ng stage si Donita Rose, ang dating VJ-Host at dating aktres para magkumustahan.  Nagkasama ang dalawa sa dalawang project na ayon kay Donita, ay pina-iyak daw siya ni Andrew E. sa eksenang meron silang kissing scene.  Panoorin nyo ang video dito ang dahilan ni Donita kung bakit sya umiyak!
 
Naka-upload ang mga highlights ng concert at mga iba pang kaganapan at rebelasyon sa concert na ito sa #youtube #channel ko: “Hollywoodflip by Oliver Carnay” (please like and subscribe!) .. it’s good to see some friends na-miss ko in person dahil tagal namin na di nagkita — sina Ms. Pen De Leon Manahan at Kuya Jerry Manahan na katabi sa front seats nina @Richard-Imee Maghanoy ng ISKIN MED SPA na isa sa mga sponsors, pati na rin si Bernadette Allesandri kasama ng anak nito na si Martin .. good to see @itsGarthGarcia and the gang.. (thank you sa drinks, Garth!) .. at syempre, pagkatapos ng medyo matagal na panahon (sobrang busy kasi araw-araw ay may ganap!) nakatabi ko rin si @sairabunnyparas habang nakatayong sayaw ng sayaw hanggang mapagod, kaya umupo na sya after mga one hour, lol! .. kahit medyo nabingi ako sa mga katabi namin na sigaw ng sigaw, super enjoy kami ni Bunny habang nanonood .. #Congratulations sa super bait, generous, at mga hard-working producers na sina Mye Lene Fajardo at Anajoy Kathlynne Felicen at ang nagdala sa grupo nina Andrew E. na si Tita Lerma ng Berce Enterprises .. special thanks kay Tessa Tanjusay who gave me a ride (hindi pwede helicopter ko, nasa talyer!) .. Bunny, ano next?