“Love .. In Another Words” L.A. concert ni JOSE MARI CHAN at ng THE COMPANY, patok sa audience!

By Oliver Carnay

Congratulations to Jack N Poy, Asian Journal, and Starmedia Entertainment for the successful presentation of “Love .. In Other Words” concert last night sa Scientology Auditorium with JOSE MARI CHAN kasama ng THE COMPANY!  Kahit bumabagyo ay hindi naging hadlang ito para dayuhin ng mga fans ang show nito kagabi. 

Sa opening salvo pa lang ng concert ay alam ko nang mag-eenjoy ang audience ng OPM singer-songwriter icon na si Jose Mari Chan kasama ng Asia’s Premier Group na The Company. Nauna nang sumalang sa pagkanta ang grupong The Company na kinabibilangan nina Moy Ortiz, Annie Quintos, Sweet Collado-Plantado at OJ Mariano. Sa kwento ng grupo, 38 years na silang magkakasama (1985 nang mabuo ang grupo) at 10 years ago pa nag-show ang The Company sa L.A. at matagal na ring hinihintay ng mga tao ang concert nila sa Los Angeles.
 
Unang inawit ng grupo ang “Pakisabi Na Lang.” Sinundan nila ito ng tribute sa namayapang Danny Javier ng Apo Hiking Society complete with video presentation.  Gusto ko yung portion na may participation ang front act artists, with L.A.’s Jukebox Queens (Caren, Imogen, Sharon), Fil-Trio (Kevin, Lyndon, Kenneth), at Richard del Rosario sa acapella version ng Hotdog classic na “Manila” (with video presentation).  Kabilang din sa mga inawit nila ay ang “Gitna” mula sa bagong album nito na kare-release lamang.  Ito ang unang album na released ng grupo from Star Music Records at ika-29th album na ng The Company.  
 
Naaliw ang mga tao sa OPM Back-Up Vocals Medley (Kay Ganda Ng Ating Musika, Bongga Ka Day, Kapag Tumibok Ang Puso, Isang Linggong Pag-Ibig, Iniibig Kahi’t Ika’y Panaginip Lang, Annie Batungbakal) dahil may “sing and dance” audience participation ang portion na ito where the audience will sing the songs while The Company will do the back-up vocals.  May bagong kanta na naki-pag-collaborate ang The Company with The Itchyworms, ang “I-Boogie Mo Ako, Baby” .. naging masaya ang portion na ito dahil naki-sayaw ang audience. Special mention kagabi ng The Company ang dati nilang manager, ang singer jazz vocalist at vocal coach na si Ms. Louie Reyes na matagal nang based dito sa Los Angeles, gayundin si Annie Nepomuceno na vocalist, music teacher, at isa na rin ngayong concert producer. 
 
Ilang jingles at mga komposisyon ang pinasikat ni Jose Mari Chan (JMC) na namayagpag sa ere at naging host din ito ng telebisyon noong 1966.  Sa edad na 77, at isa sa tinaguriang pillars at icon ng mga Original Pilipino Music, medyo working slow na rin siya, katunayan apat lang na show ang tinanggap nito sa U.S. tour na alok ng Starmedia Entertainment ni Ms. Anna Puno kahit napakaraming umaasa na makapag-perform ito sa iba pang parte ng U.S..

Very nostalgic na marinig ng mga fans ni JMC ang mga kantang pinasikat nito katulad ng “Afterglow,” “Constant Change,” “Deep In My Heart,” “Can’t We Just Stop and Talk Awhile?,” “Refrain,” “A Love To Last A Lifetime,” atbp.  Ngunit ang nakatutuwa nito ay ang daming pasabog ng lolo nyo dahil super benta ang mga jokes at mga kwento nito kagabi.  Nagbiro pa nga ito na hindi na sya kakanta’t magpapatawa na lang!  In fairness, ang dami nyang baon at kaya nyang mag-show na puro stand-up comic lang, kahit hindi na ito kumanta.  Iba ang impact sa audience nang kantahin nya ang “Tell Me Your Name” at “If We Only Have More Time Together” dahil bumaba ito ng stage at up-close and personal na kinantahan isa-isa ang mga tao, na sobrang ikinatuwa ng mga ito.  

Nasa audience ang butihing maybahay ng “Mr. Music Man” (bansag rin kay JMC) na si Gng. Mary Ann Ansaldo at nabanggit ng una na 52 years na silang nagsasama. In-acknowledge din ni JMC ang mag-asawang Minda at Jun Chin ng Fiesta Fastfoods na nakahuntahan nito sa backstage (at isa sa mga sponsors ng show kagabi) na 52 years na rin magkasama sa buhay.  The Chin couple are some of the most endearing and loving people in the L.A. community and I wanted to acknowledge them for their support in Fil-Am community and to concert producers in L.A.
 
Isang fan ang nagdala ng old LP album ni JMC kagabi at very accommodating, very appreciative at makikita mo ang pasensya at pagka-humble ni Sir JMC habang pinipirmahan ito.  Isang magandang inspirasyon at ehemplo si Jose Mari Chan sa ating buhay at industriya. 
 
Sa encore finale song, JMC called up her daughter Lisa Chan-Parpan to come up  the stage to sing “Christmas in our Hearts” with him, the song that earned him the title “Father of Philippine Christmas Music” after selling more than 20 million units.
 
I’d like to mention my other bff, Rose Paredes and her sister Bernie Raymundo na sinuong ang bagyo para makarating dito sa L.A.mula Sacramento para mapanood at makita si Jose Mari Chan (fan na fan at very emotional ang dalawa habang nanonood, at naiyak pa daw sila).  Si BFF Bunny Paras naman ay panay din ang “Awww ..” dahil nagpaka-super fan rin kagabi kay JMC at ng The Company dahil gusto niya ang mga songs nila!  Super nostalgic at saya naman talaga ang show na ito at napaka-ayos din ng Meet & Greet na inayos ng grupong Jack N Poy Productions pagkatapos ng show.  
 
Watch more video clips from this event at my #youtube #channel “Hollywoodflip by Oliver Carnay” .. Again, Congrats sa lahat ng bumubuo ng show at tour ng “Love .. In Another Words!” .. what’s next, guys?