MGA GANAP SA ‘PAGTATAG’ SAN FRANCISCO CONCERT NG SB19; JULY 28 was declared to be an official SB19 DAY sa SAN MATEO

By Oliver Carnay

Madaliang pitak lang ito dahil ngarag pa ang lola nyo sa byahe from SFO back to L.A. (before L.A. concert) .. Walang itulak-kabigin kina Josh, Stell, Ken, Justin, at Pablo ng SB19 kung sino sa kanila ang siyang may pinakamalakas na hiyawan at nakabibinging tilian ng mga A’tin at Mahalima kagabi sa Fox Theatre Redwood City! Grabe naman kasi ang energy ng lima. Show-stopper bawa’t segment.

May solo numbers bawa’t isa — nagkaroon ng standing ovation si Stell, may pa-abs din si Josh, may close-up encounter sa isang fan si Justin, iba din ang dating ng ipinakitang sexiness ni Ken, at grabe din ang performance ni Pablo! Nakaka-mesmerize lang ang video presentation at ang teknikal moves ng lima habang sumasayaw sila ng sabay-sabay. May tamang ala-Chippendales moves ang segment kung saan kinanta nila ang “I Want You” na mas lumabas ang sex appeal ni Ken at Pablo. Bilib din ako sa mga outfit nila. Pinag-isipan talaga lahat ng konsepto para sa ikagaganda ng concert, from lightings at pagsasalansan ng repertwa mula sa WYAT at sa bagong mga kanta nila sa PAGTATAG. Magaling yung Jesnied Pueblo na sole-front act at pinalakpakan ng husto si Ruby Ibarra bilang special guest artist.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na ma-interview ang ilang nakapila na naghihintay na makapasok. Nakakabigla dahil karamihan sa kanila ay galing pa sa malayong siyudad, kabilang na ang Chicago, Boston, Oregon, Hawaii, Nebraska, Vancouver, Texas, atbp. Hindi lang yon, iba’t ibang lahi, from Black, White, Asian, Mexican, ang mga umattend ng concert at para makita ang hottest PPop band ng Pinas. Nakatutuwa rin na malaman na ang iba sa kanila’y manonood uli sa iba pang cities where SB19 is scheduled to perform.

Isa sa highlight ng show kagabi ay nang sa gitna ng “Photo Opp” ay nagsalita ang San Mateo Board of Supervisor na si Mr. David Canepa, at inihayag na ang July 28 is an official SB19 DAY ng San Mateo. Tinawag din at pinarangalan si Anna Puno ng Starmedia Entertainment, ang promoter ng #PAGTATAG U.S. at Canada Tour, para sa kanyang walang sawang pagbibigay ng kasiyahan sa mga Pilipinong naka-base sa U.S., sa pagdadala at pagpapakilala ng mga world-class Filipino talents sa Bay Area mula sa Pilipinas.

Congratulations 
sa Autumn Rain RecordsWish USA, at ang promoter ng #PAGTATAGWorldTour — Janine Puno at Anna Puno ng Starmedia Productions sa matagumpay na presentasyon sa Bay Area! Next stop is at Anaheim Grove, kitakits!
 
Great to see my BFF Rose Foronda, CJ and the kids (mga inaanak namin ni Anna Puno). Enjoy sina Michael, Matthew, Joseph, at Jackson (bunso ni CJ na kahit 5 years old ay fan na ng SB19!).
 
 
Salamat sa kaibigan kong si Lalaine at napakasarap ng lunch namin sa Patio Filipino, super sarap ang binagoongang pork nila, at yung frozen fresh buko na may palaman na halo-halo, grabe! Thank you sa recommendation, Bradford, kung saan kami kakain! Hanapin nyo ang mabait na waiter na si Allen at aasistihin kayo ng todo.
 
Watch full videos of A’TIN interviews before the show and other @SB19 clips during the show on my #Youtube#channel “Hollywoodflip by Oliver Carnay” .. please subscribe, too!
 
Susunod: THE SOLD OUT SB19 GROVE OF ANAHEIM LOS ANGELES PAGTATAG CONCERT