Producer ng last leg VGFul Concert ni Vice Ganda sa Yaamava Resort & Casino, pinabulaanan ang alegasyon ng local artist na si Garth Garcia!

By Oliver Carnay

Nagsalita na ang producer na si Amor Yu ng Amor Yu Productions kaugnay ng mga tinuran ng Los Angeles local artist na si Garth Garcia sa pambabastos umano ng assistant ni Vice Ganda sa backstage pagkatapos ng successful concert ng Unkabogable Star.  
 
Ito ang last leg na ginanap sa Yaamava Resort & Casino kung saan ayon sa “L.A.’s Prince of Pop” ay sinigawan daw sila backstage at itinaboy na parang mga langaw.  Nilinaw ng producer na si Amor Yu na walang instructions sa kanila (local artists) na bumalik ng backstage para makipag-celebrate sa main artists.  Pagkatapos manood ng local artists from their seats, diretso dapat sila sa lobby for Meet & Greet.  Wala din daw abiso from Starmedia Entertainment (promoter ng buong tour ni Vice Ganda) na pumunta sila sa likuran (main artists holding area) kung saan bumalik sina Vice Ganda, MC & Lassy, at ang special Guest Artist ni Vice sa buong tour na si Darren Espanto, para mag-freshen up for the Meet & Greet.  
 
Pagkabalik sa dressing room nila Vice (which is just adjacent to the stage) pagkatapos ng show, nagkakasiyahan daw ang grupo ni Vice na inaawitan pa ng “Happy Birthday” ang kanyang assistant at pagkatapos ay sinabihan lamang nito ng malumanay ang mga nasa hallway na nakatanghod sa labas ng kwarto ni Vice ng “Excuse me po, magbibihis lang po si Vice para sa Meet & Greet!”.  Wala naman daw dahilan ang assistant para sumigaw at mag-attitude pagkatapos ng kasiyahan na iyon.  In fact, may witness daw na isa sa mga front acts din na nagngangalang John Cueto ang nakarinig ng tinuran ng assistant ni Vice.
Nilinaw ni Amor Yu na hindi Guest Artist ang title ni Garth Garcia sa concert ni Vice dahil si Darren Espanto ang “Special Guest Artist” ni Vice Ganda sa buong US-Canada VGFul Concert nito.  
 
According to Amor Yu, the local artists (front acts) only get 10% percent from the gross ticket sales at nakabenta naman si Garth ng sampung tickets, which totaled to $2,280.00 ($228 SVIP) minus his 10% commission.  Never niya binayaran si Garth sa lahat ng mga shows na prinodyus nito na kasama si Garth at wala siyang talent fee.  
 
Sa issue raw na walang dressing rooms ang mga local artist: “Mayroon silang rooms sa Yaamava but it is on the second property, adjacent to the main hotel kung saan malapit sa theatre ng Yaamava.  Kung mag-che-check-in sila sa hotel, they will be instructed and escorted by a shuttle to the second property, ng Yaamava.  There is a shuttle that picks up people and it only takes a few minutes to get there.  The VGFul band members nga duon din ang dressing rooms habang naghihintay.  Isa sa mga challenge sa Yaamava ay limited lang pala ang holding area ng main artist sa backstage at tatatlo lang ang small dressing rooms.  At ang green room nila kung saan may mga pagkain na sineserve ay napakaliit.  Kaya wala talagang lugar sa napakaraming tao sa backstage.” ang pasakalye ng prodyuser. 
“Ang call time nina Garth is 12:30 p.m. so they are ready to do the sound check at 1pm.  Ang sabi ni Garth, hindi na raw siya mag-sa-sound check.  Dumating siya ng 4 pm, eh ang start ng show ay 5 pm kaya he didn’t have time to do anything dahil sasalang na sila. So sila ang nag-decide na hindi na mag-check-in sa room nila.  Dumiretso na siya sa backstage for the start of the show.”
 
“Ang foods for local artist ay nasa “green room” which is only available for them from 1 pm to 4 pm habang nag-sa-sound check ang mga artista.  Si Vice Ganda ay nag-sound check ng 3 pm.  Yung dinner na inihanda sa “green room” after the show ay para lamang sa main artists (Vice Ganda, MC & Lassy, G-Force Twins, Darren Espanto, band members at entourage ni Vice).” 
 
Hindi na daw dapat kasama ang mga local artists sa dinner dahil pagkatapos nila manood ng show ang mga front acts from their seats, ay sa Meet & Greet na dapat ang diretso nila for picture taking.  “Nakita ko pa sila at inuna silang magpapicture kay Vice sa Meet & Greet.  Kung may issue pala sila sa assistant ni Vice na siyang nag-a-assist sa Meet & Greet, bakit hindi nila sinabi man lang sa amin eh nandoon din kaharap nila yung tao sa Meet & Greet?”
 
“Nang mabasa ko yung lumabas sa Pep, nagulat ako dahil nag-usap pa kami ni Garth habang nag-da-drive sila pauwi after the show at sinabi ni Garth na hindi nila nagamit yung kwarto nila.  Sinabi ko pa na sayang dahil nagamit sana nung mga tao na alam kong malayo ang uuwian para sila na lang ang natulog doon,” pagtatapos ni Amor Yu.
Garth Garcia (center) after the show, during the Meet & Greet with Vice Ganda, MC & Lassy, and Darren Espanto